Humingi na ng paumanhin si National Housing Authority General Manager Marcellino Escalada sa pagbagsak ng isang wooden footbridge sa Zamboanga City habang iniinpeksyon ng mga local official.
Ayon kay Escalada, isa marahil sa sanhi pag-collapse ng tulay ang pinagsamang init at ulan noong April 26.
Napaulat din aniyang nalubog sa baha ang nasabing tulay at madalas daanan ng mga tricycle.
Tiniyak naman ni Escalada na kanilang irere-design ang pundasyon ng wooden bridge upang maiwasan ang mga insidente sa hinaharap.
Magugunitang bahagyang nasugatan sina House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfred Benitez, Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, Mayor Beng Climaco-Salazar at iba pang opisyal sa pagbagsak ng tulay habang iniinspeksyon ang relocation site ng mga naapektuhan ng Zamboanga siege.