Humingi pa ng extension na hanggang Hunyo ang NHA o National Housing Authority upang matapos ang pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban.
Kasunod ito nang pagtatapos ng deadline na ibinigay ng Pangulong Rodrigo Duterte na hanggang Marso para mabigyan na ng pabahay ang Yolanda victims.
Ipinabatid ni NHA 8 Information Officer Dorcas Secreto na kalahati lamang o nasa 7,000 pabahay units lamang ang natapos nila sa itinakdang deadline ng Pangulo.
Minamadali naman na aniya nila ang nasabing pabahay para matirhan na kaagad ng mga biktima ng bagyong Yolanda.
By Judith Larino