Ikinakasa na ng NHA o National Housing Authority ang reklamong kanilang isasampa laban sa mga miyembro ng grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap.
Ito’y makaraang sumugod ang grupo sa punong tanggapan ng NHA sa lungsod ng Quezon bunsod ng inihaing eviction notice nito laban sa mga umokupa ng pabahay ng gobyerno sa Bulacan.
Ayon sa NHA, marami ang nawala at nasirang pagmamay-ari ng gubyerno sa nasabing insidente, maliban pa sa naka-apekto iyon ng husto sa trabaho ng mga kawani.
Magugunitang tinanggal ng grupo ang metal signage ng NHA, tinatadtad pa ng graffiti at tinambakan ng sangkatutak na basura ang harapang bahagi ng nasabing tanggapan maliban pa sa nagdulot din ito ng pagbigat ng trapiko sa bahagi ng elliptical road.
By Jaymark Dagala