Halos 10,000 enrolees pa ang inaasahan ng National Housing Authority (NHA) para sa Balik Probinsya Program.
Ito ayon kay NHA General Manager Marcelino Escalada, Jr. siya ring executive director ng Balik Probinsya, Balik Pag asa Program (BP2) ay dahil uubra anng pangasiwaan ng mga barangay ang manual applications ng mga hindi nakapag register online.
Sinabi ni Escalada na ang manual applications ay dadagdag sa halos walumpung libo katao mula sa National Capital Region (NCR) na nakapag rehistro na online para maka avail sa nasabing programa.
Bukod sa mga barangay ipinabatid ni Escaladan na tinututukan din nila ang pagtatayo ng BP2 desks sa mga tanggapan ng member departments para mapangasiwaan ang applications.
Kabilang dito ang DILG, DSWD, Department of Agriculture, DAR, DTI, DOLE, DOH, DICT, DOF, DBM, DPWH, DOTr, DOT, Department of Human Settlements and Urban Development, DENR at Department of Education.