Natuklasan na namahagi ng sampung milyong pisong financial assistance ang National Housing Authority o NHA sa lokal na pamahalaan ng Itogon, Benguet para sa mga pamilyang tinamaan ng Bagyong Ompong.
Pahayag ni NHA General Manager Marcelino Escalada Jr., ang lokal na pamahalaan ang magpapasya kung ilan at kung sinu-sino ang maghahati-hati sa nabanggit na financial assistance.
Gagamitin para sa pagpapaayos ng kanilang mga bahay ang ipamamahaging tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.
Iginiit naman ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na susundin nila ang payo ng Mines and Geosciences Bureau na huwag nang payagang muling makapagtayo ng bahay ang mga residente sa mga lugar na mapanganib.
Sinasabing kabilang dito ang pitong sitio sa Barangay Ucab at Barangay Loacan dahil pa rin sa banta ng landslide.