Nanindigan ang National Housing Authority o NHA na hindi substandard ang pabahay sa mga Badjao sa Rio Hondo sa Zamboanga City.
Ito ay matapos na lumabas sa pagdinig ng Housing Committee and Urban Development kahapon na mahina at murang klase ng mga kahoy ang ginamit sa mga itinayong pabahay.
Giit ng Kamara , dapat “yakal” ang uri ng kahoy na ginamit sa nasabing proyekto, subalit nauwi ito sa mahogany, jimilina at acacia.
Ayon kay NHA General Manager Chito Cruz, aprubado ng NHA at Department of Public Works and Highways o DPWH ang paggamit ng mga kahoy dahil kapareho nito ang mga ginamit na materyales sa mga pabahay sa lalawigan ng Sulu kung saan wala namang napaulat na negatibo.
Kaugnay naman sa bumagsak na kahoy na tulay, sinabi ni Cruz nagkaroon ng “overloading” dahil hanggang walong tao lamang ang kaya nito.
—-