Tuloy-tuloy ang pagtanggap ng aplikasyon ng National Housing Authority (NHA) para sa Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa program (BP2) ng pamahalaan.
Ito ang inihayag ni NHA Executive Director Marcelino Escalada Jr., matapos linawing tanging ang dispatch system o paghahatid lamang sa probinsya ng mga benepisyaryo ang pansamantalang sinuspinde.
Ayon kay Escalada, nagpapatuloy ang iba pang aktibidad sa programa tulad ng pagpapalista, assessment sa mga nag-aplay sa programa at kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Sa kanila namang pagtaya, sinabi ni Escalada na posibleng maipagpatuloy ang dispatch system ng BP2 program matapos ang tatlumpung araw o sa susunod na buwan.
Paliwanag ni Escalada, sa kasalukuyan ay uunahin muna ng pamahalaan ang hatid tulong program kung saan tinutulungang makauwi ng kani-kanilang mga probinsiya ang locally stranded individuals (LSI) at mga stranded na balik-bansang OFW’s.
Government assets are also limited, normally you just shared the same assets yung assets ng DOTr, assets ng BFAR, assets ng Coast Guard, ang ating mga Philippine Airforce so, to minimize the impact of the cause so, right now sinabi namin baka we will only prioritize muna the Hatid Tulong kasi yung Hatid Tulong is just as pure and simple as that sa mga locally stranded individuals in Metro Manila and the need to prioritize them is also our concern,” ani Escalada. — panayam sa Ratsada Balita.