Upang hindi mahaluan ng pamumulitika ang paggunita ng 32nd Anniversary ng 1986 EDSA People Power Revolution, nagdesisyon ang National Historical Commission of the Philippines o NHCP na tanggalin na ang color coding sa naturang aktibidad.
Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante, imbes na Dilaw, napagkasunduan ng komisyon na bandila ng Pilipinas ang gamitin sa pagdiriwang ng 1986 uprising na sumisimbolo sa tunay na pagkakaisa ng mga Pilipino.
Paliwanag ni Escalante, pagkakaisa ng sambayanan ang tunay na ipinapakita ng EDSA Revolt at hindi ang kulay ng anumang partido pulitikal.
Kung babalikan aniya ang mga nangyari, 32-taon na ang nakararaan, malinaw aniya na ipinapakita lamang nito ang magagandang values ng mga Pilipino, tulad ng pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa at ang determinasyon na maisulong ang mapayapang pagbabago sa bansa.
Hinimok ni Escalante ang publiko na suriin ng maigi ang mga impormasyon ukol sa 1986 historical event upang maiwasan ang mga highly-partisan accounts ng EDSA, at makita ang tunay na diwa nito.
Posted by: Robert Eugenio