Natakdang isumite ng National Quincentennial Committee o NQC kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang proposal para sa engrandeng pagdiriwang ng Philippine Quincentennial sa 2021.
Ayon kay Dr. Rene Escalante, NQC Vice Chairman at Chairman ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP, tapos na ang kanilang rekomendasyon at dadalhin na nila ito sa Pangulo sa susunod na taon para maaprubahan.
Isiniwalat ni Escalante na nakasentro ang selebrasyon sa tatlong malalaking events tulad ng circumnavigation of the world (March 16, 2021), Christianity in the Philippines (April 14, 2021) at Victory of Mactan (April 27, 2021).
Matatandaang nabuo ang NQC sa pamamagitan ng isang executive order na ipinalabas ni Pangulong Duterte noong May 8, 2018 kung saan inaatasan nito ang komisyon na pangunahan ang paghahanda para sa pagdiriwang ng Philippine Quincentennial.