Isinailalim ng Office of the Ombudsman si National Irrigation Administration administrator Benny Antiporda sa anim na buwang preventive suspension matapos ang inihaing administrative complaints ng ilang NIA employees laban sa kanya.
Sa limang pahinang kautusan, inihayag ni Ombudsman Samuel Martires na batay sa kanilang pagsusuri sa records ay malakas ang kaso laban kay Antiporda.
Nag-ugat ito sa reklamo nina NIA Employees Lloyd Allain Cudal at Michelle Gonzales Raymundo na idinidiin ang kanilang superior sa Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, Grave Misconduct, Harassment, Oppression at Ignorance of the Law.
Iginiit naman ni Antiporda na walang basehan ang reklamo at pawang alegasyon lamang.
Samantala, tiniyak ng NIA chief na haharapin niya ang mga reklamong ipinupukol sa kanya.