Hinikayat ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga magsasaka na magsagawa ng Triple Cropping System sa irrigated agricultural land upang lubos na magamit ang sakahan.
Ayon kay NIA Administrator Benny Antiporda, posibleng maisakatuparan ang triple cropping kung magkakaroon ng magandang koordinasyon ang ahensya, magsasaka at stakeholders, para matiyak ang food security sa bansa.
Sinabi pa niya na binabantayan din nila ang “Oplan Karding” na programa sa ilalim ng partnership nito sa Department of Agriculture sa pangunguna ni Senior Undersecretary Domingo Panganiban.
Ani Antiporda, layunin ng nasabing programa na i-promote ang bayanihan sa mga opisyal ng NIA, lokal na pamahalaan at mga magsasaka para sa operasyon at maintenance activities ng irrigation system.
Partikular na rito ang paglilinis ng kanal at iba pa matapos ang pananalasa ng Bagyong Karding noong nakaraang buwan.
Samantala, buo ang suporta ni Antiporda sa adoption ng triple ng rice granary sa Pilipinas para ma-maximize ang produksyon ng bigas.