Nagsagawa ng aerial inspection ang National Irrigation Administration (NIA) sa mga lugar na tinamaan ng magnitude 7 na lindol.
Kasunod ito ng pagkasira ng 27 Irrigation Projects o higit 3K sakahan katumbas ng mahigit P250-M halaga ng nasirang irigasyon sa Northern Luzon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NIA Acting administrator Benny Antiporda, na kaniya nang inatasan ang mga opisyal ng NIA-1 na agad kumpletuhin ang pagsasaayos ng mga irigasyon sa loob ng 45 araw sa pangunguna ni NIA Region 1 Manager Dennis de Vera.
Sinabi ni Antiporda na plano ng kanilang ahensya na maglagay ng pansamantalang liners upang masiguro ang pagpapatuloy sa suplay ng tubig sa 2K ektarya ng sakahan sa Ilocos Sur.