Nananawagan ng tulong ang national Irrigation Administration sa mga lokal na pamahalaan para sa pagbebenta ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice o BBM rice.
Ibinebenta ang BBM rice sa senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at mga benepisyaryo ng 4Ps sa piling tanggapan ng nia sa buong bansa.
Nagmula ang bigas sa mga lokal na kooperatiba ng mga magsasaka sa ilalim ng contract farming program ng ahensya na siya ring isinu-supply sa department of agriculture para sa Rice for All Program nito.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, hindi nila mandato ang magtinda ng bigas at kung makikipag-ugnayan ang lgu’s sa mga kooperatiba, mas marami ang makikinabang sa inisyatiba.
Sa datos ng ahensya, nakapagbenta na ito ng halos dalawang milyong kilo ng BBM rice sa buong bansa. – Sa panulat ni Laica Cuevas