Tiwala ang National Irrigation Administration na maaabot ng Pilipinas ang mahigit 90% ng Rice self-sufficiency sa taong 2028.
Ito ang inihayag ni NIA Acting Administrator Eduardo Guillen, na patuloy nilang hihikayatin ang mga magbubukid na magtanim ng hybrid rice para sa mas maayos na produksiyon nito sa bansa.
Ayon kay Administrator Guillen, matakaw man sa tubig ang hybrid rice at medyo may kamahalan ang produksyon, mas maeengganyong magtanim ang mga magsasaka kung sapat ang suportang natatanggap ng mga ito mula sa gobyerno.
Tiniyak naman ni Administrator Guillen, ang mga programa para sa mga farmer maging ang pagbibigay ng mga makinarya para maiproseso ang kanilang mga inaning produkto na planong ibenta sa mga pamilihan sa Metro Manila.