Nagpadala ng relief items ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA para sa mga residenteng apektado ng lindol sa Northern Luzon.
Sa isang turnover ceremony, tinanggap ng Diocese of Abra ang donasyon sa pamamagitan ni Bishop Leopoldo Jaucian.
Nabatid na nag-ambagan ang lahat ng mga opisyal at personnel ng NICA sa pangunguna ni Director General Ricardo de Leon upang maisakatuparan ang relief effort.
Nasa kalahating milyong piso ang nakalap ng ahensya kaya’t nakabili ito ng bigas, grocery food items, tolda o water-proof tarpaulin, kumot, sabon, tubig at food packs mula sa isang fast-food chain.