Lumagda na ang Nicaragua sa Paris Climate Agreement.
Ayon kay Nicaragua President Daniel Ortega, ang naturang kasunduan ang tanging pandaigdigang instrumento na naglalatag ng kondisyon kung paano haharapin ng mga bansa ang global warming at epekto nito.
Dahil sa naturang anunsyo, naiwan na ang Amerika at Syria na tanging mga bansa na bigo pa ring lumagda sa Paris Climate Change Deal.
Matatandaang inanunsyo ni US President Donald Trump na binabawi nito ang partisipasyon sa naturang deal dahil magdudulot ito ng economic disadvantage sa Amerika.
—-