Nasungkit ng Pinay na si Nicola Queen Diamante ang anim na gintong medalya sa Girl’s First Novice Swim Championship na inorganisa ng Congress of Philippine Aquatics Inc (COPA).
Hinirang si Diamante bilang ‘Most Bemedalled Athlete’ matapos dominahin ang anim sa pitong events at pangunahan ang Girl’s 11-year old class a 25-meter freestyle, backstroke, 50-meter freestyle at 100 Meters Individual Medley.
Bigo naman ang manlalaro na makakuha ng sweep sa Grassroots Development Program ng COPA matapos matalo kay Alex Pasia ng sharknado swimming team.
Ginanap ang naturang kumpetisyon sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa loob ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila. – sa panulat ni Hannah Oledan