Muling nahalal bilang Pangulo ng Venezuela si Nicolas Maduro sa katatapos lamang na kontrobersyal na presidential election.
Ito’y dahil balot umano ng dayaan ang nasabing halalan na binoycott naman ng mga taga-oposisyon.
Nakuha ni maduro ang 67.7 percent ng boto o 5.8 million votes kumpara sa 21.2 percent o 1.8 votes ng opposition leader na si Henri Falcon.
Samantala, hindi naman kikilalanin ni U.S. President Donald Trump ang resulta ng eleksyon.
Kasalukuyang nahaharap sa malawakang economic krisis ang Venezuela kabilang ang food shortages at unemployment.