Nag-walk out ang isa sa mga judges ng The X-Factor UK na si Nicole Scherzinger sa Six Chair Challenge episode ng nasabing show.
Ito ay para ipakita ang kanyang pagkadismaya sa naging desisyon ng kapwa niya hurado na si Simon Cowell na tanggalin ang Filipino trio na JBK.
Sumailalim sa sing-off ang JBK at ang grupong Lemonade para madetermina kung sino ang makakukuha ng last seat sa six-chair challenge.
Kinanta ng Pinoy group na binubuo nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Lawrenz Ordonio ang “I Can Love You Like That,” habang kinanta naman ng katunggaling Lemonade ang “Keep Your Inner Child Alive.”
Sa huli, pinili ni Simon ang Lemondae at tuluyang na-eliminate ang JBK.
Matapos inanunsyo ang desisyon ay tumayo si Nicole, kinuha ang coat at nag-walk out sa studio.
Sinabihan din nito si Simon na huwag siyang kausapin.
PANOORIN:
Una nang napahanga ng trio ang mga hurado sa kanilang ‘I’ll Make Love To You’ performance.
—-