18 katao na ang napatay ng security forces sa pagpapatupad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) protocols sa Nigeria.
Ayon sa report ng National Human Rights Commission, nakatanggap ito ng mga reklamo tungkol sa mga umano’y human rights violations na kagagawan ng mga awtoridad sa ilang estado.
Sinasabing walo sa mga biktima ay napaslang ng mga correctional officers sa kaduna state.