Lusot na sa kamara sa ika-3 at huling pagbasa ang batas na magbibigay ng night differential pay sa mga empleyado ng gobyerno.
Nasa 225 mambabatas ang sumang-ayon sa nabanggit House Bill 9458 na layuning kilalanin ang dedikasyon at katapan sa serbisyo ng mga government employee.
Sa ilalim din ng naturang batas, makatatanggap ng hindi tataas sa 20% na hourly basic rate ang empleyado kada oras ng trabaho.
Kwalipikado namang makatanggap ng night differential pay ang mga nasa salary grade 1 hanggang 24.