Binuksan na ang kilalang night market sa Baguio City sa kahabaan ng Harrison Road kagabi sa pagpasok ng unang araw ng buwan ng Disyembre.
Tinatayang nasa 481 stalls o nasa 45% lamang ang pinahintulutang magtinda sa naturang night market na kilalang dinudumog ng mga turista tuwing paparating ang kapaskuhan.
Nakabantay naman ng Public Order and Safey Division at ng Baguio City Police Offiice sa pagpapatupad ng health protocols gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at face shield.
Kasabay nito opisyal nang sinimulan ng Baguio ang tradisyunal nitong Christmas Festival sa pagpapailaw ng lokal na pamahalaan nito ng giant Christmas tree sa sentro ng Lungsod.—sa panulat ni Agustina Nolasco