Isinusulong ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagbibigay ng night shift differential pay sa lahat ng mga kawani ng gobyerno, kabilang ang mga nagtatrabaho sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC).
Sa ilalim ng Senate Bill 642, ipinanukala ni Trillanes na ang mga empleyado ng gobyerno na nagtatrabaho sa pagitan ng alas-10:00 ng gabi at alas-6:00 ng umaga ay dapat mabigyan ng night shift differential pay ng hindi lalagpas sa sampung (10) porsyento ng kanilang hourly rate.
Kabilang sa makikinabang sa nasabing panukala ang mga government employee sa ilalim ng Bureau of Immigration (BI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
By Meann Tanbio
Night shift differential pay sa lahat ng kawani ng gobyerno isinusulong was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882