Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang asawa ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro na si dating Tarlac Representative Monica “Nikki” Prieto-Teodoro bilang Special Envoy of the President to the United Nations Children’s Fund o UNICEF.
Si Teodoro ay isa sa labing pitong (17) mga bagong appointees ni Pangulong Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan.
Samantala, muli namang binigyan ng puwesto ni Pangulong Duterte si dating Urban Poor Commissioner Melissa Avanceña-Aradanas bilang Deputy Secretary General ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Pinalitan ni Aradanas sa puwesto si Patrocino Jude Esguerra III.
Magugunita namang si Aradanas na pinsan ng common law wife ng Pangulo na si Honeylet Avanceña ay kabilang sa mga natanggal na opisyal ng Presidential Commission on the Urban Poor sa pamumuno naman noon ni Atty. Teri Ridon.
Kabilang naman sa mga bagong itinalaga ng Pangulo ang mga bagong opisyal ng National Labor Relations Commission at Special Envoy on Transnational Crime.
—-