Ikinatuwa ni Senadora Grace Poe ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang batas na magpapadali sa proseso ng pag-aampon sa bansa.
Ayon kay Poe, pangunahing may akda ng Republic Act No. 11222 o ang Simulated Birth Rectification Act, nagpapasalamat siya sa pangulo sa pagkakaroon ng puwang nito sa puso sa mga batang nangangailangan ng pamilya.
Dahil dito aniya ay umaasa ang senadora bilang isa rin siyang adopted child, na ang naturang batas ay magreresulta ng mas maraming maampong mga bata at magkakaroon ng panibagong buhay.
Sa ilalim ng batas, isasagawa ang pag-aampon sa pamamagitan ng mas simpleng administrative proceeding.