Tiwala ang DOLE o Department of Labor and Employment na susundin ng 10 bansang miyembro ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ang nilagdaan nilang Consensus on the Protection and Promotion of the Rights of Migrant Workers.
Ayon iyan kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay kahit aminado siyang hindi legally binding o hindi ligal na nagbubuklod ang mga bansang lumagda sa nasabing dokumento.
ito’y sa kabila aniya ng katotohanang nakararanas pa rin ng pang-aabuso at pang-aapi ang mga Pilipino kahit pa mayruon nang umiiral na kasunduan o bilateral agreement ang Pilipinas sa mga bansang pinag tatrabahu-an ng mga ito.
kasunod nito, hinikayat naman ng grupong Migrante International ang mga bansang lumagda sa nasabing dokumento na gawin itong legally binding upang hindi ito magsilbing token document o ala-ala lamang na bunga ng ASEAN Summit.