Aminado ang Department of Labor and Employment o DOLE na hindi legally binding ang nilagdaang kasunduan ng sampung miyembrong bansa ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN para sa proteksyon at kapakanan ng migrant workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, sampung taon ang itinagal ng negosasyon para sa nasabing consensus dahil sa mga bansang tulad ng Indonesia ang tumatangging lumagda kung hindi ilalagay ang mga katagang “legally binding” sa kasunduan.
Sinabi ni Bello na hindi niya alam kung paano nagbago ang isip ng Indonesia nang lumagda ito sa kasunduan kahit na tinanggal na ang mga katagang legal na magbubuklod sa mga bansang lumagda sa dokumento.
Sa kabila nito, positibo si Bello na susundin naman ng ASEAN leaders ang nilagdaan nilang kasunduan.
Sa kabila ito ng katotohanan na nakakaranas pa rin ng pang-aapi ang mga Overseas Filipino Workers o OFW kahit sa mga bansang mayroo nang bilateral agreement ang Pilipinas para sa mga manggagawang Pinoy.
Kabilang sa mga benepisyo sa ilalim ng nilagdaang consensus ng ASEAN leaders ang pagbabawal sa pagkumpiska sa pasaporte ng manggagawang dayuhan, karapatang mabisita ng kanilang pamilya at crack down sa illegal recruiters.
ASEAN hinikayat na gawing ally binding ang nilagdaang consensus
Hinikayat ng migrante ang ASEAN na gawing legally binding ang nilagdaang consensus para sa proteksyon at kapakanan ng mga migrant workers.
Pinuna ni Arman Hernando, spokesman ng migrante na hindi legal na nagbubuklod sa mga lider ng sampung bansang miyembro ng ASEAN ang kanilang nilagdaang kasunduan.
Ayon kay Hernando, hindi rin maisusulong ng buo ang mga proteksyong nakasaad sa dokumento kung optional lamang para sa mga bansang lumagda ang pagpapatupad nito kayat magsisilbi lamang itong token document o ala ala ng naganap na asean summit.