Ipinagmalaki ng Philippine National Police o PNP ang pagkakasabat sa humigit kumulang P34 milyong halaga ng shabu sa Parañaque City nitong weekend.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, patunay aniya ito na nagbubunga na ang nilagdaang kasaunduan sa pagitan ng PNP at PDEA para paigtingin ang kanilang kampaniya kontra iligal na droga.
Nangyari ang operasyon sa Sucat, Parañaque City kung saan ay naaresto ang suspek na kinilalang si Kenneth Vito Cruz na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Giit pa ni Eleazar, bagaman nakatutok ang mga pulis sa pagpapatupad ng minimum health standards ngayong panahon ng pandemiya ay hindi rin nila pinababayaan ang adhikaing linisin sa sumpa ng iligal na droga ang bansa.
Patuloy ang panawagan ng PNP Chief sa publiko na huwag magatubiling lumapit sa mga awtoridad sakaling mayruon silang hawak na impormasyon hinggil sa operayon ng iligal na droga sa kanilang lugar.—ulat mula kay Jaymark Dagala ( Patrol 19)