Hawak na ng Senado ang instrument of ratification for the Paris Agreement matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Loren Legarda, Chairperson ng Senate Committee on Climate Change, napakahalaga ng naturang kasunduan dahil isa ang Pilipinas sa lubos na naapektuhan ng Climate Change tulad ng malalakas na bagyo at sobrang pagtaas ng temperatura.
Aniya, ito ang magbibigay daan upang makatanggap ang Pilipinas ng benepisyo at tulong pinansiyal para solusyunan ang epekto ng Climate Change.
Kumpiyansa naman si Legarda na magiging ganap na tratado ang Paris Agreement bago ang Earth Day sa April 24 dahil suportado naman ito ng maraming senador.
Samantala, humirit naman ang ilang environmental group sa gobyerno na ipasara na ang mga coal – plant kasunod ng paglagda ng Pangulo sa Paris Agreement on Climate Change.
Anila, dapat na palitan ang naturang mga planta ng renewable energy upang makabawas sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng mundo.
By Rianne Briones