Tiniyak ni Senador Grace Poe na kanilang tutukan ang nilalaman ng panukalang batas hinggil sa pagbibigay ng special power o emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagresolba sa problema sa trapiko.
Sinabi ni Poe na kahit magkaiba ang maipasang batas ng Kamara at Senado, pagkakasunduin pa din naman ito at ang mahalaga ay ang nilalaman nito.
Partikular aniyang tututukan ay ang pagiging compliant sa freedom of information ng bidding at procurement process sa ilalim ng special power.
Matatandaang inaprubahan na rin ng House Committee on Transportation ang naturang panukala para sa paglutas ng krisis sa trapiko na ayun kay Committee Chairman Cesar Sarmiento, layon nitong lumikha ng isa lamang otoridad sa trapiko.
By: Katrina Valle / Cely Bueno / Race Perez