Mariing pinabulaanan ni Senador Antonio Trillanes na mayroon silang niluluto na Coup laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagkalat ng mga text messsage at maging sa social media na may niluluto raw ang grupo ni Trillanes na kudeta at sila umano ang nasa likod ng mga terrorist activity tulad ng natagpuang improvised explosive device malapit sa U.S. Embassy.
Iginiit ni Trillanes na hindi na kailangang magkudeta dahil self-destruction ang ginagawa ng Pangulo.
Tahasan pang sinabi ng Senador na ang mga Dutertards o mga trolls ng Duterte Administration ang nasa likod ng pagpakakalat ng walang katotohanang impormasyon.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno