Isang pulis na inakusahang ‘ninja cop’ o nag-re-recycle ng mga nakukumpiskang illegal drugs at ibinebenta sa mga drug pusher ang patay sa buy-bust operation sa morong, rizal.
Kinilala ni Chief Insp. Jewel Nicanor, Spokesperson ng PNP-Counter Intelligence Task Force ang suspek na si PO2 Gemmo Meneses na nakatunog na kapwa pulis ang ka-transaksyon.
Ayon kay Nicanor, si Meneses ay miyembro ng Provincial Intelligence branch-Rizal at nasangkot sa mga iligal na aktibidad tulad ng hulidap noong 2016.
Nagsimulang mag-recycle ng shabu si meneses nang ma-assign ito sa drug enforcement unit noong 2017.