Ayon sa United States Geological Survey, may lalim ang pagyanig na 15 km na naganap dakong 10: 30 am
Wala pa namang naitalang nasawi sa lindol sa Solomon Islands, isang araw lang ang pagitan matapos yanigin ng magnitude 5.6 na lindol ang Java, Indonesia na may higit 160 nang nasawi.
Samantala, matapos ang lindol ay tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.
Gayunman, posible anila ang mga mapanganib na alon sa mga baybayin na matatagpuan sa loob ng 300 km mula sa sentro ng pagyanig.