Dapat ng ibalik ang National Kidney Transplant Institute at Philippine Heart Center sa primary purpose nito dahil inaasahang magiging bahagi na ng buhay ng tao ang COVID-19 sa mga susunod na taon.
Ito ang iminungkahi ni Senador Nancy Binay makaraang ihayag nito at ni Senador Pia Cayetano na hindi na dapat gawing general referal center para sa COVID cases ang mga naturang ospital, sa susunod na taon.
Ayon kay Binay, ang NKTI ay para lamang sa dialysis at kidney transplant o mga sakit na may kinalaman sa renal problem habang ang heart center ay pagamutan ng mga may sakit na kinalaman sa puso.
Bagaman sang-ayon si NKTI Executive Dir. Rose Marie Liquette, may mga COVID patient anyang may comorbidities gaya ng sakit sa bato kaya sa kanila pumupunta ang mga ito.
Nilinaw naman ni Cayetano na puwede pa ring manggamot ng COVID patients ang NKTI at heart center pero hindi na sila dapat maging general referal center ng COVID.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)