Pinabulaanan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang mga kumakalat na larawan na nananatili sa labas ng ospital ang mga pasyente nito.
Ayon kay Dr. Rose Marie Liquete, Executive Director ng NKTI hindi sa labas ng ospital nananatili ang mga pasyente kundi sa mga tent na binuo ng pamunuan ng ospital dahil hindi aniya maakyat agad ang ilang pasyente dahil puno na ang mga kwarto para sa pasyente ng COVID-19.
Paliwanag ni Dr. Liquete, karamihan sa mga pasyente ay naka-wheelchair at marahil noong kinagabihan ay naglagay ang mga ito ng mahihigaan dahil mahirap naman aniya ang matulog sa wheelchair.
Giit nito, ilan sa mga pasyenteng naghihintay sa tent ay mga pasyenteng nag-aabang sa kanilang swab test result.— sa panulat ni Agustina Nolasco