Tatanggap pa rin ng mga pasyenteng dinadapuan ng COVID-19 ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa kabila ng 100% occupancy rate ng kanilang mga COVID-19 wards sa ngayon.
Ayon kay NKTI Acting Deputy Executive Director for Medical Services, Dr. Romina Danguilan na ito’y dahil karamihan sa mga admitted COVID patients ng ospital ay mga nagpapa-dialysis.
Dagdag pa ni Danguilan, na ito ang kanilang dahilan kaya’t patuloy ang kanilang pagtanggap ng mga pasyente dahil karamihan sa mga pinupuntahan nitong mga ospital maging dialysis centers ay hindi na sila tinatanggap.
Sa kabila naman nito ay sinusubukan ani danguilan na makabuo sila ng kompromiso at limitahan ang kanilang operasyon sa ibang mga sakit.