Umapela sa administrator ng Quezon City University ang grupong Nagkaisang Labor Coalition (NLC) na bayaran ang sahod nang mahigit 90 mga guro nito.
Ayon kay NLC Legal Counsel Sonny Matula, mahigit limang buwan nang hindi ibinibigay ang sahod ng nasabing bilang ng mga guro na nasa ilalim ng ‘contractual of service’ arrangement.
Mistula aniyang alipin ang mga ito sa panahon ngayon na lubos na nagtatrabaho habang nasa bakasyon sa Amerika ang presidente ng nasabing unibersidad.
Samantala, sinabi niya na ang sitwasyon ng mga naturang guro ay hindi katanggap-tanggap at taliwas sa saligang batas. —sa panulat ni Airiam Sancho