Binuwag na ni Pangulong Noynoy Aquino ang National Livelihood Development Corporation, isang Government Owned and Controlled Corporation.
Ito ay dahil sa nakikitang pagsapaw nito sa tungkulin ng ibang GOCC, katulad ng Land Bank, Development Bank of the Philippines at Philippine Postal Savings Bank.
Ang naturang mga GOCC ay mayroong mandato na magpa utang at magbigay ng tulong teknikal sa mga micro finance institutions.
Sakaling hindi sapat ang pondo ng NLDC para bayaran ang mga maapektuhan nitong personnel, sasaluin ito ng Department of Budget.
By: Katrina Valle | Aileen Taliping (Patrol 23)