Aminado si NLEX coach Yeng Guiao na nanghinayang siya sa magandang nasimulan ng kaniyang mga players matapos isuspinde ang laro sa PBA Governor’s Cup.
Ayon kay Guiao, malaki ang epekto ng break sa kanilang team bunsod ng pagsipa ng COVID-19 cases matapos ang nagdaang holiday season.
Sinabi ni Guiao na matagal nang hindi nakakapagsimula ng magandang laro ang nlex team pero naiintindihan niya ang naging desisyon at prayoridad ng pba para sa mga manlalaro.
Sa ngayon, hinihintay pa ng PBA ang official go-signal mula sa IATF para sa pagpapatuloy ng conference makaraang makakuha ng formal endorsement mula sa Games and Amusement Board (GAB). — sa panulat ni Angelica Doctolero