Pakikinabangan na ng mga motorista ang North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link, simula sa Lunes, 15 ng Hunyo.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, sa oras aniya na mabuksan na ito, aabot na lamang ng 15 hanggang 20 minuto ang magiging travel time mula maynila patungong Quezon City.
Bukod pa rito, makikinabang din ang mga truck na dating binabaybay ang kahabaan ng C-3.
Ang nlex harbor Link C3-R10 section, ay nagdudugtong mula Caloocan Interchange at ang Road 10 sa Navotas City.
Samantala, ayon pa kay DPWH Secretary Villar, maaari na aniyang makaakyat ang mga truck at pribadong mga sasakyan na mula sa R-10 padiretsong NLEX.