Nagdagdag na ng mga tauhan ang North Luzon Expressway upang paghandaan ang pagdami ng mga sasakyang dumadaan sa NLEX ngayong Holy Week.
Ayon sa pamunuan ng NLEX, inaasahan kasing aabot sa 300,000 ang peak vehicle volume ngayong paggunita ng Semana Santa.
Nabatid na ibinalik na sa pre-pandemic level ang NLEX bilang pagbigay daan sa Semana Santa.
Sa kabila nito, mas bumilis umano ang daloy ng mga sasakyan dahil 70% na sa mga motorista ay mayroon ng RFID kung saan, tanging natatagalan nalang ay ang mga sasakyang nasa cash lanes.
Nagpaalala naman ang NLEX sa mga may RFID na siguraduhing may sapat na load upang hindi maantala ang biyahe pauwi ng probinsya. — sa panulat ni Angelica Doctolero