Napigilan ng NLEX Road Warriors ang tangkang pagwalis sa kanila ng defending champion Barangay Ginebra Gin Kings.
Niresbakan ng NLEX ang Ginebra sa score na 86-85 sa paghaharap nila sa game 3 ng 2021 PBA Governors’ Cup semifinals series sa MOA Arena, Pasay City, kahapon.
Humakot ang import na si Cameron Clark ng double-doubles 21 points at 17 rebounds upang ipako ang unang panalo ng road warriors sa kanilang best-of-five semis kontra Gin Kings.
Nag-ambag din ng 15 points si Kevin Alas para sa nlex habang 13 points para kay Justin Chua.
Nagpakawala naman ng 27 points si Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra.
Hawak ng Gin Kings ang kartadang 2-1 sa serye habang muling maghaharap ang dalawang koponan sa game 4 sa Miyerkules, sa Araneta Coliseum.