Posibleng matanggalan muli ng business permit ang North Luzon Expressway (NLEX) sa Valenzuela City ngayong Biyernes.
Ito ay kung sakaling hindi nito masolusyunan ang problema sa RFID system na pinaaayos ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
Ayon kay Gatchalian, hindi siya nananakot subalit kaakibat ng pagbalik ng business permit ng NLEX nitong Disyembre 2020 ay may colatilla na hindi dapat muling lalabag sa alituntunin na napagkasunduan.
Giit ng Alkalde, ito ay isyu tungkol sa trapiko sa barrier at accounts management dahil sa late pumapasok ang nilo-load ng mga motorista.
Paliwanag ni Gatchalian, nabawasan naman aniya ang mga reklamo sa delay at nag-upgrade naman aniya ang NLEX ng app system nito subalit meron pa ring ilang nagrereklamo.
Hiling ng Mayor na wala na dapat siyang marinig na reklamo na late na pumapasok sa account ang load at hindi niya umano titigilan ang NLEX hanggat hindi napupulido ang sistema nito.—sa panulat ni Agustina Nolasco