Pinadapa ng Barangay Ginebra San Miguel ang NLEX Warriors sa score na 110-107 sa Smart-Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni Japeth Aguilar ang puwersa ng Kings na umiskor ng game-winning three-pointer kaya’t nanalo at nasungkit ng koponan ang No.8 seed.
Tabla ang score,107-107, may 16 seconds ang nalabi sa fourth quarter nang mapasok ni Aguilar ang tres.
Tumipa rin sina LA Tenorio at Orlando Johnson ng tig-21 points at six assists para sa Ginebra.
Nakatakdang sagupain ng Kings ang No.1 seed Alaska sa isang serye sa quarterfinals kung saan hawak ng Aces ang twice-to-beat advantage.
By Jelbert Perdez