Patay sa isang police operation ang number one drug lord sa Iloilo City.
Ang suspek na nakilalang si Richard Prevendido ay pinuno umano ng Prevendido Group, isa sa dalawang malaking drug groups sa Iloilo.
Nagsisilbi ng arrest warrant ang mga otoridad sa Land Heights Subdivision sa Barangay Balabago nang mangyari ang pamamaril sa suspek.
Lumabag umano ang suspek sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, narekober naman ang isang AK45 Assault rifle, dalawang kalibre 45 baril, patalim at hinihinalang sachet ng shabu.
Kasalukuyan pang nagsasagawa ang pulisya ng imbestigasyon kaugnay sa insidente.