Arestado ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station ang no. 9 most wanted na lalaki sa pamamagitan ng Confidential Informant ng Northern Police District –Special Operation Unit.
Kinilala ang suspek na si Alejandro Bautista na may pending warrant of arrest sa kasong rape under article 226 paragraph 1 of revised penal code in relation to 7610 na inisyu ni Ma. Theresa De Guzman, Judge ng RTC Branch 13 sa nasabing lugar matapos kasuhan ng kanyang kapitbahay.
Nabatid na tumatambay at madalas makita sa Manila Police District Station 7 sa Abad Santos Manila ang suspek dahilan para agad itong madakip ng mga awtoridad. —sa panulat ni Angelica Doctolero