Ipinagbabawal na ang pagdadala ng backpack o “no backpack policy” sa mga mosque sa Davao City matapos ang nangyaring magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu at Zamboanga.
Ito’y base sa desisyon ng mga imam sa lungsod na magpatupad ng maximum security sa lahat ng mga mosque.
Kasunod nito, bawal na rin ang pagdadala ng malalaking plastic at kahon sa loob ng mga mosque, maging ang pagtulog sa gusali at pagpapatuloy ng mga bisita sa komunidad.
Nakipag-ugnayan na rin ang Task Force Davao sa mga imam hinggil sa pagpapatupad ng naturang polisiya.