Hindi totoo ang “no bakuna, no ayuda”.
Ito ang binigyang diin ni Metropolitan Manila Development o MMDA Chairperson Benhur Abalos na walang katotohanan na hindi makatatanggap ng pinansiyal na ayuda ang mga hindi pa bakunado ng COVID-19 vaccine sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Binatikos ni Abalos ang nagpakalat ng maling impormasyon kung saan maraming tao ang dumagsa sa iba’t ibang vaccination sites sa Metro Manila.
Batay sa natanggap na impormasyon ni Abalos, kabilang sa mga bakunahan na dinagsa ng mga tao ay ang lungsod ng Maynila, Masinag sa Antipolo City, at maging sa las pinas.
Hiniling ni Abalos na imbestigahan ng National Bureau of Investigation o NBI ang naturang pagpapakalat ng maling impormasyon.