Nanindigan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa gitna ng mga batikos sa hirit na ipitin angayuda ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program na hindi bakunado kontra COVID-19.
Iginiit ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na hindi lamang sila ang nagpanukala bagkus desisyon ito na sinuportahan ng mga local government unit bilang co-proponents.
Ayon kay Malaya, sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), 12% pa lamang ng nasa apat na milyong benepisyaryo ang bakunado.
Ito, anya, ang dahilan kaya’t kailangan ng mag-doble-kayod sa pagbabakuna at umisip o lumikha ng mga bagong paraan,tulad ng ‘No Bakuna, No Ayuda’ policy, upang mapabilis at makamit ang herd immunity. —sa panulat ni Drew Nacino