Ipinagmalaki ng Commission on Elections na ang ‘no bio no boto” ang pinakamalaking accomplishment nila ngayong 2015.
Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na sa pamamagitan ng kampanya ay nagawa nilang maibaba ang bilang ng mga registered voters na walang biometrics mula 9 million at ngayon ay 3 million na lamang.
Sa kabila nito, sinabi ni Jimenez na marami pang dapat gawin ang COMELEC para paghandaan ang May 9 elections sa 2016.
Matatandaang kinuwestiyon hanggang sa Supreme cOurt ang No-bio No-boto subalit kalaunan ay pinanigan sila ng Kataas-taasang Hukuman.
By: Aileen Taliping (patrol 23)